Posts Tagged ‘TMR Book

07
Dec
11

Oscar Dela Hopia

2002 or 2004. Dahil sa pagkahilig ko sa music, naisipan kong makinig sa radio araw-araw. Bumili ng mga songhits. At kumanta-kanta (lol). Then natiyempuhan ko ang The Morning Rush with Chico and Delamar. At ayun na.

Hindi lang dahil sa music kaya ako nahook sa show.. Pati na rin sa makukulit na top10 nila at informative conversations nila. Then sinubukan ko ding magtext.  First time ko yun… nagbaka sakali na mababasa sa radio. That was my birthday, 200* something. And when they read my message, tumamblig ako sa tuwa. At ayun na, nagsimula na ang kaadikan. 

Hanggang sa nagcollege na ako. Sinimulan ko ng magpasa ng entries sa top10. Jhun13 pa ako nun. At pag sinuswerte, nakakapasok naman sa top10. Iba yung feeling eh. And I did the next move. Hinanap ko sila sa internet. Nakita ko ang mumunting forum ng mga rushers. Nakigulo ako at nakisaya sa kanila. Hanggang sa dumating yung time na nagkaroon na ng EB. Oct 2007. Nameet ko na sila CnD!!!! At ayun, buwan buwan na ang pasama ko sa mga Rushers.

Then came Dec 8 2008.  Sa di malamang kadahilanan, nagpalit ako ng codename. Oscar Dela Hopia. At nagsimula na ang di ko inakalang mangyayari sa buhay ko. NAAAKS!!! :))

Dahil yata sa codename na to, napadalas ang pagpasok ko sa top10… at maraming naaliw sa akin. Yata. At ayun, parang instant popularity ang nangyari. Oo na, aaminin ko na sikat talaga yung codename na nagamit ko. Hindi din ako makapaniwala na ganun ang mangyayari.

Yung tipong makakatanggap ka ng DM o private message sa fb, saying “lagi kitang naririnig sa tmr”.. “nakakatuwa codename mo”.. “ikaw lagi nasa top10”.. “ang cute mo pala” (ok joke lang yan).. nakakataba ng puso!! 

Tapos ngayun, nagpublish na ng book ang TMR.. and sa gulat ko talaga, hongdomi kong entries. 😀 Nakakaoverwhelm talaga.. never ko naman inexpect na sa pagpapalit ng codename eh magiging ganito. So thankful na rin kasi dahil dito, madami akong nakilala, madami akong naging kaibigan, at madami akong naging pans! LOL (pagbigyan na, blog ko to :P)

Happy Anniversary Oscar Dela Hopia!!!




Anong petsa na!?

November 2019
S M T W T F S
« Dec    
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Salain mo ang blog ko

TWEET ME!!

MultiFLY!!

The Morning Rush Forum

Tweet Tweet!

“Quoty Quotes”

@ Motto
"Win as if you were used to it; Lose as if you enjoyed it for a change."

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o

@ Songs
Live Like We're Dying - Kris Allen
"We only got 86 400 seconds in a day to turn it all around or throw it all away. We gotta tell ‘em that we love ‘em while we got the chance to say.. Gotta live like we’re dying"

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o

@ Books
Are you afraid of the dark - Sidney Sheldon
"Do you go there often?"
"I used to go there when I wanted to escape."
Kelly looked at him, puzzled. "Escape from what?"
He hesitated. "Loneliness. I felt less lonely
there."
He glanced at Kelly and smiled. "I haven't been there since I met you."