Posts Tagged ‘success

30
Aug
08

Success is relative


One evening, may kumatok sa pinto namin. Hinahanap yung mom ko. I opened the door and it was (for some reason, itago nalang natin sya sa pangalan..) Nene (anak ng tito ng ama ko, bata pa siya). I asked her, “bakit? ano yun?”. Then she said, “sabi po ni mama pautang po daw ng 100, babayaran po daw bukas ng gabi”. Sa loob-loob ko, “tsk tsk”, and i called my mom.


* Hindi kami ang pinakamayaman sa lugar namin, just so you know. In fact, isa kami sa mga naghihikahos dun. Nagkataon lang na nagsisimula na akong magwork, and bagong pasok sa call center yung kuya ko kaya medyo nagiging maganda takbo ng buhay namin lately. Dati nga, kami pa yung naghahagilap ng mauutangan kung saan-saan para lang may panggastos, and luckily medyo nagbago na ang kapalaran.


I called my mom, at kinausap naman niya si Nene. My mom said, “Sabihin mo sa mama mo siguraduhin nya na babayaran nya to ah. Hindi kami nagpupulot ng pera. Kapag hindi nyo nabalik to bukas, hindi na kayo makakaulit sa akin”, and my mom lend the money to her.

then my mom and i had this conversation:
mom: hay naku, nangutang na naman sila. Pangalawang beses na yan.
ako: binayaran ba yung una?
mom: hinde.
ako: ngek.. eh bat pinautang mo pa ulit!
mom: panghuli na nila yan.. kapag hindi sila nagbayad bukas hindi na sila makakalapit sa akin.

Then my mom shared to me what happened last week..

Nung isang araw daw, dumating yung asawa ng nakatatandang kapatid ng father ko. Itago na lang natin sya sa pangalang Bisaya. She went to our house and:
Bisaya: Hoy Ruby! Pautang (Pahingi) nga 500 dyan, kailangan lang ng gamot ng asawa ko.
mom: Wala ho akong pera dito, pamalengke ko lang to
Bisaya: Bigyan mo ako ng pera, nagtatrabaho na yang mga anak mo ah.
mom: hay nako, wala ho akong mabibigay sa inyo, panggastos namin to
Bisaya: kahit magkano, blah blah blah
*my mom gave her 200 pesos ng tumigil na sa kakatalak (masakit pa naman sa tenga yung boses nun)

The nerve! Ang lakas ng loob na manghingi sa amin ng pera, the fact na never kaming humihingi ng tulong sa kanila whenever we’re down, and the fact na never nila kaming tinulungan.. Hindi kasi kami ganun ka-close sa relatives namin sa father-side kasi anak sa labas yung father ko. Nag-init talaga ulo ko nung narining ko yung pangyayaring ito. Lalu na nung sinabi na “may trabaho na yung mga anak mo”. Hello! Nagpakahirap ba sila para makatapos kami ng pag-aaral? Hell no. And we don’t owe them any centavo.. You can really tell na wala akong amor sa kanila, it’s a long story.

I don’t know if what I’m feeling towards them is bad, am I reacting too much or something? I know I still need to be polite, though hindi ko talaga mapigilan sarili ko. I don’t like it when other people are abusing my family, kung binabayaran nila yung hinihiram nila, that’s fine with me, eh kung hindi naman, ibang usapan na yan.

So I’ll grab this chance to thank my relatives on my mother-side. Sila talaga yung umalalay sa amin, tumutulong sa amin sa lahat ng oras. Malaki ang utang na loob (at utang na pera) namin sa kanila. They are our real family.

Advertisements



Anong petsa na!?

October 2019
S M T W T F S
« Dec    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Salain mo ang blog ko

TWEET ME!!

MultiFLY!!

The Morning Rush Forum

Tweet Tweet!

“Quoty Quotes”

@ Motto
"Win as if you were used to it; Lose as if you enjoyed it for a change."

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o

@ Songs
Live Like We're Dying - Kris Allen
"We only got 86 400 seconds in a day to turn it all around or throw it all away. We gotta tell ‘em that we love ‘em while we got the chance to say.. Gotta live like we’re dying"

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o

@ Books
Are you afraid of the dark - Sidney Sheldon
"Do you go there often?"
"I used to go there when I wanted to escape."
Kelly looked at him, puzzled. "Escape from what?"
He hesitated. "Loneliness. I felt less lonely
there."
He glanced at Kelly and smiled. "I haven't been there since I met you."

Advertisements