29
Aug
12

Kiko

Francis N. Rodriguez. Kiko. Una ko syang nakilala nung 1st year Highschool ako sa PNHS La Huerta. He’s one of those bunch na maiingay sa likod non, hehe, coz he used to seat near his classmates in elementary.

Di ko maalala kung pano kami naging magkaibigan, magkabarkada. We’re from different elementary schools, and di naman kami magkatabi ng upuan nun. Basta siguro nagkasama lang kami sa isang lakad, then ayun, nagclick na.

Napakamasayahin nyang tao. Sobra. Saming magbabarkada, isa sya sa mga nagpapatawa sa amin. Magaling din syang kumanta, one of the song birds sa room namin yan. He loves Christina Aguilera so much.. as in makikipag-away yan kapag usapang Britney-Christina na.. a true blue music lover. Na palaging nakatutok sa Myx at MTV. I also admire his penmanship din. Must admit na sinusubukan kong gayahin yun sulat nya, ang ganda lang kasi. And most specially, he’s a smart guy. Consistent. Top 3 sa klase. Yun lang, mas matalino ako sa kanya LOL. 🙂

Marami akong fond memories with him nung Highschool pa kami. Madalas kaming magpagalingan sa klase nun. At naaalala ko na tuwang tuwa sya kapag natataasan nya ako sa mga quizzes, pero minsan lang mangyari yun :P. At tuwing groupings, kami kami din yung magkakagrupo. Syempre abusado din sya most of the time kapag nagpapadrawing or kokopya ng notes, pero ayos lang sa akin yun. Gumagala din kami sa malls nun after ng exams, at madami ding group practices ang napagsaluhan namin.

Mahilig din sya sa mga letters. Every occasions, valentines, birthdays, christmas vacations, bago mag summer vacations, nagpapadala yan ng mga sulat sa amin. Friendly letters na kung anu ano ang laman. And until now, tinatago ko pa rin yung mga yun.

I also became very close to his family. Madalas kasi kaming tumambay sa kanila since isang tawid lang ang bahay nila from our school. Sobrang bait ng mom and mga kapatid at pinsan nya. Everytime he celebrates his birthday, or fiesta sa kanila, laging may handa, and we’re always invited. And kahit sya, naging kilala na rin sa bahay namin. Madalas din syang pumunta sa bahay nun para makigamit ng computer or minsan tambay lang din.

Then nung college, sinamahan nya pa akong mag-enroll. We went to the same school, PUP, and same college, CCMIT. Pero naghiwalay din ang landas namin. He took up IT while ako naman ang nag CS. Pero madalas pa rin kaming magkita at mag-usap, and ang ending, nakilala at naging kaibigan ko pa yung mga college friends nya, and nakilala din sya ng mga college friends ko.

And now.. just hearing the sad news.. na wala na sya.. it totally crushed me into pieces. Sobrang bilis ng pangyayari. Almost a year ko din syang di nakikita.. and I couldnt remember anymore when was the last time I saw my friend 😥

Advertisements

0 Responses to “Kiko”



  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Anong petsa na!?

August 2012
S M T W T F S
« Jul   Sep »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Salain mo ang blog ko

TWEET ME!!

MultiFLY!!

The Morning Rush Forum

Tweet Tweet!

“Quoty Quotes”

@ Motto
"Win as if you were used to it; Lose as if you enjoyed it for a change."

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o

@ Songs
Live Like We're Dying - Kris Allen
"We only got 86 400 seconds in a day to turn it all around or throw it all away. We gotta tell ‘em that we love ‘em while we got the chance to say.. Gotta live like we’re dying"

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o

@ Books
Are you afraid of the dark - Sidney Sheldon
"Do you go there often?"
"I used to go there when I wanted to escape."
Kelly looked at him, puzzled. "Escape from what?"
He hesitated. "Loneliness. I felt less lonely
there."
He glanced at Kelly and smiled. "I haven't been there since I met you."


%d bloggers like this: