07
May
09

FX Addiction

FX

FX

Gabi. Malakas ang hangin. Matindi ang ulan.

Nakasanayan ko na ang mag-jeep tuwing umuuwi ako [galing opisina]. Halos isang taon na rin na ganito pagbiyahe ko. Bababa ng Heritage (Pasay), tapos sasakay sa mga nakapilang jeep na pa-Sucat sa may ilalim ng fly-over (na ang tawag nila eh “tulay”).
Minsan mainit, minsan presko. Minsan siksikan, minsan sakto lang.

Hindi ko naisipan kahit minsan na i-try kong mag-FX.  Wala lang. Di ko lang trip. At iniisip ko nun na mapapamahal pa ako sa pamasahe. Tapos marami na rin akong narinig at nabasang kwento ng mga krimen sa FX. Kaya parang ayokong i-try…

Pero isang araw.. medyo tanghali na.. galing ako sa SM Mega matapos manood ng pang-gulat na pelikula, muli akong bumababa sa Heritage-tulay. Patawid na ako nang biglang mahagip ng aking mga mata ang palikong FX sa kanto. Bigla na lang tumaas ang aking braso at pumara. Ayun, next thing I know, nasa loob na ako ng FX.

At simula noon, hinanap-hanap ko na sya…

Gabi. Malakas ang hangin. Matindi ang ulan.

8pm na yata. Palakad-lakad ako sa bangketa at basang-basa ng ulan. Naghihintay ng FX na masasakyan. Walang FX na dumadaan.. Hintay pa rin.. Nakailang jeep na rin ang dumaan sa aking harapan. Deadma. Gusto kong mag-FX. Gusto ko ng may aircon, yung maginhawa ang byahe, yung nagsisiksikang katawan (may ganun din pala sa jeep), yung malambot na upuan, yung madaling mag-para. Panay ang daan ng jeep. Deadma.

Lumakad pa ako ng konti. Pumunta sa dulo ng fly-over, nagbabakasakaling maraming bababang FX doon. Panay ang lingon sa likod habang naglalakad, baka may parating na FX. Nakarating na ko sa tamang pwesto. Wala pa rin akong makita. 5 minuto.. 10 minuto.. wala pa rin. Naiinip na ako pero ok lang.. kaya pa.

Hayun!!! may FX na parating. Dagli akong lumapit. Pero nagulat ako. Sinuway ako ng aking mga paa. Bigla nalang akong pumasok sa jeep na walang laman. Hindi na ako nakapalag. Bababa ba ako o hindi? Hindi na ako nakagalaw.  Hayun ang FX.. pabuntot-buntot sa jeep na aking sinakyan. Nang-eengganyo, Nanghahalina, “Bumaba ka na dyan, dito ka sumakay”.  Pero huli na ang lahat. Nakapag-abot na pala ako ng bayad.

At habang ako’y nasa biyahe, binuo ko sa isip ko ang blogpost na ito. Naiinis. Nanghihinayang. Pero wala na akong magagawa. At dun mismo, narelize ko na na-adik ako sa FX. Weird man pakinggan pero mukhang ganun na nga.


P.S.

Kasalanan pala ni manong fx driver ang mga pangyayari.. tinatago nya kasi yung sign board nya. kaya nagdalawang isip akong sumakay. amf.

Advertisements

4 Responses to “FX Addiction”


  1. May 8, 2009 at 10:52 am

    hi oscar! me blog ka pala! paborito ko ang mga entries mo sa morning rush! rusher din kasi ako pero hindi ako maka submit ng entry, kahit once.

    i follow your thoughts now!

    Anne

  2. 3 yellow06
    January 30, 2012 at 6:50 am

    hi ODH! mejo late na ‘tong comment ko kse ngaun ko lng nalaman na me blog ka pala. Sinearch ko kse name mo sa google..hehehe..wala kasing magawa dito sa office (shhh…) Anyways, enjoy basahin ung blog mo. Very personal talaga unlike ng iba kong nababasa. Parang nakarelate din ako dito sa article na ‘to..hehehe! Nga pla, nagpapirma ko sa’yo sa galle last sat.. Ikaw na! ikaw na ang nanigas ang kamay sa ka-au-autograph! 🙂

    • March 3, 2012 at 1:29 am

      Heeeyyy!!!! hala sorry ngayun ko lang naapprove ang comment na to. kamusta naman? 1 month? hehe.. salamat!! naku lately nga hindi na ako nakakapagsulat sa blog.. napakabusy na kasi. haaaaay 😦 naku di ko maalala kung sino ka dun.. andami naman kasi LOLz. joke 🙂 see you around! tandaan ko yang Yellow06 na yan 🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Anong petsa na!?

May 2009
S M T W T F S
« Apr   Jun »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Salain mo ang blog ko

TWEET ME!!

MultiFLY!!

The Morning Rush Forum

Tweet Tweet!

“Quoty Quotes”

@ Motto
"Win as if you were used to it; Lose as if you enjoyed it for a change."

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o

@ Songs
Live Like We're Dying - Kris Allen
"We only got 86 400 seconds in a day to turn it all around or throw it all away. We gotta tell ‘em that we love ‘em while we got the chance to say.. Gotta live like we’re dying"

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o

@ Books
Are you afraid of the dark - Sidney Sheldon
"Do you go there often?"
"I used to go there when I wanted to escape."
Kelly looked at him, puzzled. "Escape from what?"
He hesitated. "Loneliness. I felt less lonely
there."
He glanced at Kelly and smiled. "I haven't been there since I met you."


%d bloggers like this: