Eto siguro ang epekto ng kakapanood ng mga teledrama ng mama ko. Hanep sa mga hirit nitong mga nakaraang araw. I just really need to blog it out! 😀
Here are some of the “teledramatic moments” of my mom:
——————————————————-
Younger Bro: Ma, umaambon ba?
Mom: Ano pakiramdam mo?
——————————————————-
medyo light pa yun.. eto pang isa:
——————————————————-
Young Bro: Ma! Dinidilaan ng pusa yung kawali!!!
Mom: Bakit? Mauubos ba yung kawali?
——————————————————-
medyo tumitindi na.. ayun, kanina lang while we were eating dinner:
——————————————————-
Young Bro: Ma, yung ilaw kumukurap-kurap.
Mom: Ano gusto mong gawin ko? Magtatalon ako sa tuwa?
——————————————————-
LOLz… we always laugh out loud kapag bumabanat ng ganyan yung mom ko!!
at syempre hindi ako nakaligtas, binanatan din ako ng mom ko ng teledramatic line:
——————————————————-
Ako: Ma, bat ganyan yung pritong isda, parang bulok yung itsura, maitim
Mom; Anong gusto nyo, lagyan ko pa ng make-up at saka ribbon bago ko ihain sa inyo?
——————————————————-
oh man!! Muntik na talaga akong mabulunan dun! 😀
may masabi lang…