23
Nov
06

Ang Sinumpang Susi

tralalalala…

isang matiwasay na tanghali, habang aking binabagtas ang mataong kalye ng Teresa.. katatapos ko lang mag-online ng mga sandaling iyon, nag-search ng mga bagay na hindi ko rin naman na-search, paglulustay ng oras at salapi.. syang tunay.

lumipas na ang tanghalian, ngunit wala pa ring laman ang aking sikmura.. hindi kasi ako nananghalian sa bahay, masyado pa kasing maaga, binalak ko na lang na magpakabusog sa isang hamburger mamaya.

Malapit na ako sa gate ng PUP.. tulad ng aking nakagawian, binuksan ko na ang aking bad upang kunin ang aking I.D.

*GITLA* (super higher level ng pagkagulat)

“nasan yung I.D. ko!?!”

hinalungkat ko ang aking bag, tiningnan at kinalikot ang bawat sulok nito.. wala kong nakita.. Naiwan ko ba sa bahay?! Nahulog kaya sa daan?!

isang malamig na bagay ang nahagip ng aking mga daliri.. SUSI!
Napaisip ako.. ayun! Unti-unting luminaw sa aking isipan ang isang malaking pagkakamali na aking nagawa..

holy cow!!.. hindi ko nasauli yung susi ng E409 kaya nasa server pa yung I.D. ko!!!!!”

kinuha ko ang aking regi at pumasok na sa isKuL.. habang naglalakd ay iniisip ang mga maari kong idahilan, iniisip ang sasabihin sa akin ni Sir Steve (lab head ng server), iniisip ang aking ire-react, iniisip kung ano ang kahahantungan ng aking kasalanan…waaaah wala na akong kinabukasan!!!

nakarating ako sa 3rd floor south wing.. pawisan sa sobrang takot.. tinext ko si Aisza (na S.A. sa server) at sinabi ang nangyari.. sinamahan naman niya ako sa pagharap sa server.. *shy*..

good thing is hindi masyadong nagalit si Sir Steve, bad thing is na kay Sir Pagalilawan yung ID ko.. so ayun, kailangan ko tuloy gumawa ng letter para makuha ang ID ko sa Chairperson’s office..

habang nagkaklase si Sir Austria, sinulat ko na ang aking “sorry” letter.. wag ka, English pa yun! hehe baka sakaling ma-impress si sir.. pagkatapos ng klase ay dumiretso ako agad sa Chairperson’s office..

kinakabahan ako.. at medyo kampante rin.. kahit papaano eh kilala naman ako ni Sir Pagalilawan, at least medyo hindi na ako mapapahiya nito..

sinamahan pa ako nila Leah at Enrico dun, well, hindi para suportahan ako, kundi para makita kung ano yung gagawin sa akin! (ahehe yan ang kaibigan hehe).. binigay ko na ang aking “sorry” letter kay sir.. ayun medyo nagpakipot pa at sinabing nakalimutan din nya kung nasaan ang aking I.D… pero syempre joke lang yun..

Haaaayyy.. medio nakahinga na rin ako ng maluwag.. at least solve na ang lahat.. ibinigay din ni Sir ang aking I.D…

Lesson Learned: Huwag nang kukuha ng Susi.. hayaan na ang ibang klasmeyt na gumawa nun! Hmmp!


0 Responses to “Ang Sinumpang Susi”



  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Anong petsa na!?

November 2006
S M T W T F S
« Oct   Feb »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Salain mo ang blog ko

TWEET ME!!

MultiFLY!!

The Morning Rush Forum

“Quoty Quotes”

@ Motto
"Win as if you were used to it; Lose as if you enjoyed it for a change."

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o

@ Songs
Live Like We're Dying - Kris Allen
"We only got 86 400 seconds in a day to turn it all around or throw it all away. We gotta tell ‘em that we love ‘em while we got the chance to say.. Gotta live like we’re dying"

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o

@ Books
Are you afraid of the dark - Sidney Sheldon
"Do you go there often?"
"I used to go there when I wanted to escape."
Kelly looked at him, puzzled. "Escape from what?"
He hesitated. "Loneliness. I felt less lonely
there."
He glanced at Kelly and smiled. "I haven't been there since I met you."


%d bloggers like this: