13
Oct
06

uTos

Sa bawat oras na paglagi ko sa loob ng bahay, pangalan ko ang lagi kong naririnig. Lagi na lang ang pangalan ko ang sinasambit ng aking mga magulang sa tuwing sila’y may inuutos.

3 kaming magkakapatid, at ako ang middle child. Kasalukuyan nagtatrabaho ang kuya ko, ako’y nasa ika-3 taon ng kolehiyo, samantalang nasa ika-3 taon na ng hayskul ang pinakabunso.

Masunurin naman ako sa aking mga magulang, lalu pa’t kung wala naman akong ginagawa, dagli akong susunod sa kanila. Subalit ang ikinatatampo ko lang ay paminsa’y ay kapag nagagalit sila sa tuwing mage-excuse ako na busy ako’t iba muna ang utusan, hindi na nila iniisip na may mga bagay din akong kailangang gawin o tapusin.

Minsan, kahit na busy ako sa mga gawaing pang-eskwela, ako pa rin ang uutusan nila. Kapag sinabi ko namang “si kuya po muna utusan nyo” ay pagagalitan nila ako, kesyo nagtatrabaho sya at kailangan nyang magpahinga (kahit pa kitang-kita naman na patext-text lang siya). Kaya ayun, feeling tuloy nila ang tamad tamad ko, even though ako na yung pinakamasipag sa bahay (and im meaning it!). They really never look at the things na ginagawa ko, lagi nilang pinupuna yung mga pagkukulang ko. (gawd, drama king here)

One afternoon nga, nagkaroon kami ng light argument ng father ko.

F:  Maghain ka na.
O:  Si kuya yung maghahain, ako yung tagaligpit.
F:  Bakit ba lagi mo na lang pinapasa yung mga inuutos sayo sa kuya mo?
O:  eh ganun po talaga yung set-up namin eh, sya tagahain, ako tagaligpit.
F:  yang kuya mo nagtatrabaho yan, kailangang magpahinga nyan. Kanina yung kuya mo pa yung nagsampay, hindi na sya nakatulog.
O:  eh may ginagawa naman akong project kanina eh, kailangan kong tapusin yun, saka ayaw niyang matulog eh.
F:  Eh bakit naman kami ng mommy mo, ang dami din naming ginagawa.
O:  Sumusunod naman ako pag hindi ako busy eh, may ginagawa lang talaga ako minsan kaya hindi ako makasunod. Lagi kasing pangalan ko yung tinatawag ninyo kahit na marami akong ginagawa. Kahit pa patext-text lang si kuya ako pa rin inuutusan nyo.
F:  At sinong uutusan namin?
O:  anjan naman si Emman ha. (youngest) Tapos sasabihin ninyo masyado pang bata yang si emman, masyado nyo kasing kinukonsinte kaya ganyan na yan, walang silbi dito sa bahay.
F:  Hindi namin iniispoil yang si Emman..
O:  eh ano tawag nyo jan, ni hindi nyo mautusan, 3rd year high school na hindi man lang tumutulong dito..
F:  Ano gusto mong gawin ko sa kapatid mo? Gulpihin ko yun?
O:  ewan ko, kayo nakakaalam kung ano dapat gawin..
F:  Wag mo masyadong asahan yung kapatid, mas may isip ka dun..
O:  bakit wala bang isip yung si Emman..
F:  Mas may isip ka nga kesa sa kapatid mo..
O:  kailan pa gagamitin yung isip nya? 3rd year na yang si Emman hindi pa maasahan.
F:  Pasalamat nga kayo ng kuya mo, hindi namin kayo pinaglalaba, ni hindi nyo nga naransang maglaba ng damit..
O:  Kami po kaya yung naglalaba dati ni kuya..
F:  naglalaba kayo?
O:  Opo, dati kami lang yung naglalaba..
F:  Hindi ko alam yun, siguro nung nagtatrabaho pa ko nun..

<end>

hmm.. you think im a bad child?.. sorry.. i really just cant help myself in expressing myself.. the argument just ended like that.. sana lang na maging sensitive din sila kahit papaano.. at sana, makita din nila yung mga effort ko sa bahay.. (-_-)


4 Responses to “uTos”


  1. October 13, 2006 at 7:18 pm

    hehehe…
    oo nga oscar… tama ka dyan…
    bakit kaya iba ung treatment s mga nagtatrabaho at sa nag-aaral lang..
    hehehe…
    oo nga pla birthday mu kahapon…
    happy birthdat to you!!!
    ( kahit na di ako nakatikim ng libre mu…)
    happy birthday to you!!!
    (kahit n masama loob ko kc nga d mu ako nailibre..)
    happy birhtday to you!!!
    ( kahit na di mu ako nailibre kahapon..ayus lang…pwede naman kasi ngaun..)
    happy birthday
    happy birthday
    happy birthday to you!!!
    (ililibre na nyan ako… yehey!!!)

  2. October 14, 2006 at 11:50 pm

    wahaha.. hindi rin hehehe.. next year na lang yung libre ..😛

  3. 3 sHy
    October 31, 2010 at 3:53 pm

    hi,

    sometimes, life is like that. isipin mo nlng ung mga taong walang kapatid (sila lahat ang gagawa).. d mo naman masabi na spoiled ang mga walang kapatid.. hasty generalization un. pero mas masarap tlga kapag may kapatid ka.. parang masaya lang sya..🙂

    To GOD be the glory till eternity!🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Anong petsa na!?

October 2006
S M T W T F S
« Sep   Nov »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Salain mo ang blog ko

TWEET ME!!

MultiFLY!!

The Morning Rush Forum

“Quoty Quotes”

@ Motto
"Win as if you were used to it; Lose as if you enjoyed it for a change."

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o

@ Songs
Live Like We're Dying - Kris Allen
"We only got 86 400 seconds in a day to turn it all around or throw it all away. We gotta tell ‘em that we love ‘em while we got the chance to say.. Gotta live like we’re dying"

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o

@ Books
Are you afraid of the dark - Sidney Sheldon
"Do you go there often?"
"I used to go there when I wanted to escape."
Kelly looked at him, puzzled. "Escape from what?"
He hesitated. "Loneliness. I felt less lonely
there."
He glanced at Kelly and smiled. "I haven't been there since I met you."


%d bloggers like this: